• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

158 lugar nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Kristine

MAY KABUUANG bilang na 158 lugar ang idineklarang state of calamity matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bicol Region ang mayroong ‘most cities at municipalities’ ang inilagay sa state of calamity. Nakapagtala ito ng 78.

 

Kabilang dito, ang buong lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, and Catanduanes, at maging ang Bulan, Sorsogon.

 

Sumunod naman ang Calabarzon na may 63 lungsod at munisipalidad na nasa ilalim ng state of calamity:

Cavite (province-wide)

Batangas (province-wide)

Quezon

Tagkawayan

Mulanay

General Luna

Laguna

Santa Cruz

San Pedro City

Victoria

 

May 13 lugar naman ang inilagay sa ilalim ng state of calamity sa Eastern Visayas:

Samar

Calbayog

Eastern Samar

Jipapad

Arteche

San Policarpo

Oras

Maslog

Dolores

Can-avid

Taft

Sulat

San Julian

Borongan

Maydolong

 

Tig-isa naman ang inilagay sa state of calamity sa Ilocos Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region:

Dagupan City

Magpet, Cotabato

Alfonso Lista (Potia), Ifugao

Quezon City

 

Samantala, sinabi ng NDRRMC na ang pinsala ni Kristine sa agrikultura ay pumalo sa P1.4 billion, habang ang pinsala sa imprastraktura ay P825 million.

 

Mayroon ding namang 25,591 na bahay ang partially damaged habang 2,049 naman ang totally damaged.

 

Tinatayang 40 na tulay at 218 lansangan ang nananatiling napinsala dahil sa bagyo.

 

Sinasabing, naapektuhan din ng bagyong Kristine 5,784,298 katao o 1,415,438 pamilya sa 8,895 barangay sa buong bansa.

 

Sa naturang bilang, 382,154 ang nananatiling nasa evacuation centers, habang 178,742 ang nasa temporary shelter .

 

Iniulat pa rin ng NDRRMC na may 79 katao ang nasawi, siyam ang kumpirmado at 70 naman ang bina-validate pa. (Daris Jose)

Other News
  • Hinalintulad kung paano gawin ang isang Pinoy breakfast: Sen. IMEE, ipinakita kay BORGY at netizens ang proseso sa paggawa ng batas

    KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.     Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Sen. Imee at Borgy sa kanilang […]

  • SRP sa bigas planong ipatupad ng DA

    PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto.     Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang […]

  • Pagkuha o pagbili ng Covid-19 vaccine ng Pilipinas mas mapapabilis

    MASĀ  mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng Covid-19 vaccine.   Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.   Ang paliwanag ng Chief Executive, mahalaga rin ang […]