• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,582 Zambo farmers, nag-aantabay ng land ownership awards

TINATAYANG may 1,582 Zamboanga Peninsula farmers ang nakatakdang maging landowners.

 

 

Nakatakda kasing pagkalooban ng  Department of Agrarian Reform ng ‘certificates of land ownership awards (CLOAs) ang mga nasabing magsasaka.

 

 

Sa isang kalatas, pangungunahan ni  DAR Secretary Conrado Estrella III  ang pamamahagai ng CLOAs, sakop nito ang kabuuang  2,653 ektarya ng agricultural lands sa nasabing lalawigan.

 

 

“For distribution are 819 CLOAs in the provinces of Zamboanga Sibugay covering 1,373 hectares of land to 764 ARBs; Zamboanga del Sur, with 441 CLOAs covering 628 hectares to 441 ARBs; and Zamboanga del Norte with 403 CLOAs, covering an area of 652 hectares benefitting 377 ARBs,” ayon kay Estrella.

 

 

Maliban sa CLOAs, itu-turn over ni Estrella ang mahigit sa  P8.6 milyong halaga ng support services sa  mga  agrarian reform beneficiaries, kasama na rito ang ‘farm equipment, machinery, at facilities.’

 

 

“This includes two units of processing centers, two units of water tank collectors, a vermiculture production center, three units of three-wheel multipurpose motorcycles with canopies, a hauling truck, and a unit of corn sheller, with a total cost of PHP3.34 million for Zamboanga del Sur agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs),” ayon sa DBM.

 

 

May kabuuang P2.75 milyong halaga ng  support services ang ipamamahagi sa  Zamboanga Sibugay, kung saan kabilang rito ang  dalawang multi-purpose buildings, limang power tillers na may  kompletong  ‘implements at tillers’ , isang rice thresher,  isang  mud boat na may kasamang kompletong tools, at water tank collector.

 

 

“The ARBOs from Zamboanga del Norte would be provided with a hauling truck, warehouse, forage shredder, vermi shade, five heads of cattle, four egg machines, and a rainwater collector, with a total cost of P2.60 million,” ayon sa ulat.

 

 

Winika pa ni Estrella na ang mga nasabing  support services ay ipinatutupad sa ilallim ng  Climate Resilience Farm Productivity Support Program, Village Level Farm-Focused Enterprise Development Project, and the Convergence on Value Chain Enhancement for Rural Growth and Empowerment (Project Converge) ng DAR na makatutulong sa mga magsasaka na maging mas produktibo.

 

 

“This move is In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to improve the agricultural sector in the countryside, and boost the lives of the farmers in this region,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Other News
  • Dinaig ng CEU Scorpions si Olivares para manatiling walang talo sa UCBL

    Dinisarmahan ng CENTRO Escolar University ang Olivarez College sa unang quarter para tungo sa mahangin na 94-61 panalo at anim na larong sweep sa first round elims sa 5th PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League (UCBL) noong Lunes sa ang Paco Arena sa Maynila.   Nagsimulang mainit ang Scorpions, na sumugod sa 28-11 kalamangan […]

  • Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia

    Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa.     Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa […]

  • Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan

    HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.     Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.      Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw […]