16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.
Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito ang NCR+8 areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.
Kasama rin sa listahan ng priority areas ang mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Cagayan De Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, at Legazpi.
Na-ideploy na rin ng pamahalaan sa NCR+8 areas ang may 1.1 milyong doses ng AstraZeneca na idinonate ng Japanese government.
Samantala, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang gobyerno ng Japan at si Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa ginawa nito na masiguro na magkaroon ng equitable access ang gobyerno ng Pilipinas sa Covid-19 vaccines.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na malayo ang mararating ng mahigit sa isang milyong doses na AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japan sa laban ng bansa para makamit ang herd immunity.
“Japan continues to be our strong partner in various development programs. Our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friednship between our two countries,” ayon sa Pangulo.
Pinuri naman ng Chief Executive ang National Task Force Covid-19 at ang Department of Health sa pagtiyak na magiging matagumpay ang delivery, distribution at rollout ng mga bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Let me assure everyone that throughout our vaccination rollout we will prioritize the safety and quality of all vaccines that we are distributing across the country,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.
Aniya pa, aktibong nagsasama-sama ang mga health authorities at ang international counterparts nito para patuloy na pag-aralan ang kaligtasan at epektibo ng bakuna.
“Again, I express my heartfelt gratitude to Japan for all of the assistance you have extended to our country during these challenging times. By providing cold chain transport and ancillaries, you have enabled us to ensure the safe and efficient transport of these vaccines and preserve its quality and integrity,” ayon kay Pangulong Duterte.
At para naman sa mga mamamayang Filipino, tiniyak ng Pangulo na mananatiling committed ang pamahalaan na makakuha ng sapat na suplay ng ligtas at epektibong Covid-19 vaccines.
Kaya nga, hinikayat nito ang lahat na magpabakuna na at tumulong na mapigilan na kumalat pa ang virus.
Kailangan aniyang ipagpatuloy ang “safety rules and health protocols” kahi bakunado na.
“Together let us beat the pandemic and ensure our way towards a better and brighter tomorrow. Mabuhay kayong lahat,” ang pahayag ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023
NILINAW ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility […]
-
Meet the Characters of Kevin Costner’s Western Epic “Horizon: An American Saga”
Discover the characters and story of Kevin Costner’s latest Western epic, “Horizon: An American Saga.” Dive into a tale of adventure, survival, and the American Civil War era.Academy Award-winner Kevin Costner’s latest directorial effort, his passion project “Horizon: An American Saga,” is set to open in Philippine cinemas on June 28, the same day as […]
-
“BLACK ADAM” INTRODUCES THE JUSTICE SOCIETY OF AMERICA TO THE BIG SCREEN
Hawkman, Doctor Fate, Atom Smasher, Cyclone — introducing the members of the Justice Society of America. See them in action in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19. Check out the featurette “Introducing the JSA” below: YouTube: https://youtu.be/TjhoHrYX4NY From […]