• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

17 atleta na ang isasabak ng Pinas!

Opisyal nang maglalaro sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at  Bianca Pagda­nga­nan sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Pumuwesto si Saso sa No. 9 habang No. 42 si Pagdanganan sa listahan ng International Golf Fe­deration (IGF) para sa 60 women golfers na papalo sa Tokyo Olympics sa Hul­yo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Ang 20-anyos na si Saso at ang 23-anyos na si Pagdanganan ang ikalawa at ikatlong golfers na sasabak sa Tokyo Olympics kasama si Juvic Pagunsan na tumaas sa No. 49 sa men’s class.

 

 

Umakyat na sa 17 ang mga Pinoy qualifiers sa Tokyo Olympics na mas marami kumpara sa 13 lahok noong 2016 na idinaos sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan inangkin ni weightlifter Hidilyn Diaz ang silver medal.

 

 

Bukod kina Saso, Pagdanganan, Pagunsan at Diaz, ang iba pang Olympic qualifiers ay sina weightlif­ter Elreen Ann Ando, skateboarder Margielyn Didal, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, shooter Jayson Valdez, Fil-Am trackster Kristina Knott, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez, Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

 

 

Si Miguel Tabuena ang huling golfer na naisalang ng bansa sa Olympics noong 2016 sa Rio de Janeiro.

 

 

Ang tatluhan nina Saso, Pagdanganan at Lois Kaye Go ang umangkin sa gold medal ng women’s team competition noong 2018 Asian Games sa Indonesia.

 

 

Kinuha rin ni Saso ang gintong medalya sa individual category.

Other News
  • Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

    NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.     Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]

  • Ads February 15, 2024

  • State of emergency sa hog industry, pinadedeklara ng DA

    Inirekomenda na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong bansa sa state of emergency dahil sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF).     Ayon kay DA Sec. William Dar, pangunahing dahilan ng deklarasyon ang lawak ng pinsala at epekto sa mga magbababoy.     Una nang iniulat […]