• April 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18-ANYOS NA CICL NAGBIGTI SA MALABON

ISANG youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng temporary shelter na para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig matapos umanong hiwalayan ng girlfriend sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ang katawan ng 18-anyos na biktima ay nadiskubre ng 16-anyos na binatilyong youth offender din bandang alas-8:30 sa second floor ng Bahay Pag-asa Shelter sa Langaray St. Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni police investigator P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagtungo ang saksi sa second floor ng shelter upang patayin ang ilaw nang makita nito ang katawan ng biktima na nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay nakatali naman sa beam ng kisame ng corridor ng shelter building.

 

 

Kaagad siyang humingi ng tulong kay Emil Felipe, 33, security guard ng facility saka mabilis na isinugod ang biktima sa Lorenzo Ruiz Women and Children Hospital sa Brgy. Santulan subalit, idineklara itong dead on arrival.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya mula sa kanyang mga roommate at iba pang social workers ng shelter na kamakailan ay nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali subalit, napigilan ng iba pang Children in Conflict with the Law (CICL).

 

 

Narekober din ng pulisya ang cellular phone ng biktima na naglalaman ng mga mensahe naka-address sa kanyang ina at ipinapaalam ang tungkol sa kanyang pagpakamatay dahil sa homesickness at heartbroken matapos umanong hiwalayan ng kanyang girlfriend. (Richard Mesa)

Other News
  • PPA net income tumaas ng 3% sa Q1 sa gitna ng pandemya

    Inuulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na tumaas ang kanilang net income ng 3 percent ng nakaraang First Quarter kahit na may pandemya.     Sinabi ni PPA general manager Jay Santiago na umaasa ang kanilang ahensiya na magiging pangunahing taon ito para sa PPA upang makabangon sa masamang epekto ng COVID 19.     […]

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]

  • LTFRB: Jeepney operators pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year na prangkisa

    ANG  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year provisional na prangkisa ang mga jeepney operators kung saan ito ay magiging isa sa mga kasagutan sa mga hinihingi ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs) na nag welga noong Lunes.       Isa ito sa mga […]