180K PUV drivers at operators, nakatanggap na ng fuel subsidy- LTFRB
- Published on May 4, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic transport sector dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pangunahing bilihin.
Sinabi ni LTFRB executive director Ma. Kristina Cassion na kanilang sisikaping matapos ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ikalawang linggo ng kasalukuyang buwan.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P6,500 fuel subsidy.
Samantala, pinoproseso na rin aniya ng LTFRB ang fuel subsidies para sa 27,777 delivery riders.
-
Designated area itakda: Hithit ng vape sa pampublikong lugar, bawal na
PINAGBABAWAL na rin ngayon ang paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes o vape at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products. Ipinalabas ng Palasyo ang Executive Order 106 na naglalayong amiyendahan ang nauna ng Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Nakasaad sa […]
-
Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic. Sa Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ginawa ni Pangulong […]
-
Mga rail lines tigil operasyon ngayon mahal na araw
Ang tatlong rail lines sa Metro Manila ay pansamantalang wala munang operasyon ngayon mahal na araw upang magsagawa ng maintenance activities sa mga coaches at facilities ng mga railways. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay sarado mula March 30 hangang April 4 at magbubukas ng […]