• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,814 Bulakenyo, tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa DOLE, DOT

LUNGSOD NG MALOLOS– Umabot sa 1,814 Bulakenyong apektado ng pandemya ang pinagkalooban ng ayuda sa ilalim ng ‘financial assistance program’ ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa “COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) Awarding of Beneficiaries” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Tumanggap ang bawat isa ng tig-P5,000 na kabilang sa grupo ng mga manggagawang mula sa mga establisyimentong pangturismo, organisasyon at asosasyon sa lalawigan ng Bulacan.

 

 

Pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando na kinatawan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, Regional Director Carolina DG. Uy ng DOT III at Regional Director Geraldine M. Panlilion ng DOLE III ang pamamahagi ng ayuda.

 

 

Kabilang sa 35 na grupo ang ASA TODA, Concepcion TODA, Piel TODA, San Roque TODA, SN TODA, LARES TODA, Dela Costa Mankor Pecson Homeowners Tricycle Operators & Drives Assn. Inc., Sining Tanglawan ng San Jose Del Monte, Team George Salon, 010 ROTTODA Tabe, 07 MATODA, GITDA 012 Tiaong TODA, GITDA-04- TATODA, LGBT Bulacan Federation, Food Master Tricycle Operators & Drivers Assn. Inc. / Food Master Tricycle Operators & Drivers Assn. Inc., Marilao Marwadis Sandico TODA Inc., BNN TODA Inc., M.T.M.G TODA, Rough Road TODA Inc, Sapang Kawayan Matictic TODA, Sulit TODA, Trisha And Oscar’s Beauty Salon, Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative, Bunsuran 3rd Manatal Bagbaguin TODA, Bunsuran, Masuso, Masagana, Cupang, Sto Niño TODA (BMMCS TODA), CCB Padre Pio NHA TODA Pandi Bulacan Inc., Kalye Andress TODA, Mapulang Lupa, MITAY, Bagong Barrio, NHA Tricycle Operators And Drivers Association, Pandi Tricycle Operators And Drivers Association Inc., RDC NHA TODA Pandi Bulacan Inc., Siling Bata Cacarong Malawak Real TODA, Paombong Market TODA (PM TODA) Inc., PB TODA, Pulo San Roque Tricycle Operators And Drivers Association Inc. at STRODA TODA Bulakenyo.

 

 

“Patuloy po ang ating gobyerno sa pag-aabot ng kamay at tulong sa mga apektadong manggagawa sa turismo at mga displaced worker. Asahan po ninyong aming ipatutupad ang mga programa, proyekto at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang kayo ay masuportahan sa panahong ito,” ani Fernando.

 

 

Base sa tala ng PHACTO, umabot na sa mahigit 16,000 indibidwal sa lalawigan ang nahatiran ng nasabing tulong.

 

 

Ani Ramon Binuya, pangulo ng ASA TODA ng bayan ng Baliwag na kabilang sa sektor ng turismo, “malaki ang aming pasasalamat para sa agarang ayudang aming natanggap na makatutulong sa pantawid sa araw-araw na gastusin.”

 

 

Malaki din ang pasasalamat sa DOLE, DOT at Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PESO ni Red Jumaine Sanano ng Sining Tanglawan ng San Jose Del Monte para sa pinansiyal na tulong na nagamit niya sa kanyang pag-aaral sanhi ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’

    IDINEKLARA  ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa  Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.     Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng  bamboo plant at produkto nito.     “I, Rodrigo […]

  • Countdown sa hosting ng bansa sa Volleyball Men’s World Championship sinimulan na

    Sinimulan na ng Pilipinas ang isang taon na countdown para hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.     Bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ng isang konsyerto ang sa Kalayaan Grounds ng Malacañang nitong Linggo ng gabi.     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang “PH to Serve” ay isinagawa para […]

  • Ads September 10, 2024