• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC

Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.

 

 

Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:

 

  • Nawawala (15)
  • Apektadong residente (79,062)
  • Nasa evacuation centers (6,397)
  • Na-displace pero wala sa evacuation center (1,470)
  • Evacuation centers (90)

 

 

Sa mga nawawala, sinasabing 15 dito ang kumpirmado na habang apat pa ang patuloy na vina-validate ng NDRRMC.

 

 

Ilan na sa mga lugar na talagang naapektuhan ng naturang bagyo ay ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.

 

 

Wala pa namang naitatalang patay o sugatan dahil sa pagtawid ng bagyong Jolina sa kalupaan ng Pilipinas sa ngayon.

 

 

Pinsala ng bagyo

 

Sa ngayon, aabot na sa 193.79 milyong halaga ng pinsala na ang naitatamo ng Regions 5, 6, at 8:

 

  • Bicol (P13.79 milyon)
  • Western Visayas (P436,610)
  • Eastern Visayas (P179.56 milyon)

 

 

Aabot naman sa 3,058 kabahayan ang napinsala ng tropical storm sa kasalukuyan:

 

  • bahagyang nasira (2,900)
  • wasak na wasak (158)

 

 

Dating nasa typhoon category ang bagyong “Jolina” bago ito humina sa ngayon. Sa kabila nito, patuloy namang nananala ang Typhoon Kiko sa loob ng PAR na posible pang maging super typhoon dahil sa lakas nito.

Other News
  • Pinagpapatuloy ang ‘legacy of philanthropy’ ng pamilya: MICHELLE, pinarangalan ng FFCCCII dahil sa kanyang accomplishments

    PINARANGALAN si Miss Philippines Universe 2023 Michelle Marquez Dee ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII) dahil sa kanyang outstanding performance sa Miss Universe na kung saan umabot siya sa Top 10.     Iginawad kay Michelle ang special plaque noong December 28, sa Federation Center ng FFCCCII na matatagpuan […]

  • Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

    SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation.  Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]

  • DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1

    KINUMPIRMA  ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1.     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages […]