1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU
- Published on January 20, 2023
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.
Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng Petron sa lungsod.
Ang pamamahagi nito ay paraan ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte na matugunan ang suliraning kinakaharap ng mga TODA sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin.
Ang fuel subsidy ay sinimulan ni Belmonte noong una itong maupo bilang alkalde ng lungsod ng 2019 para makaagapay ng mga TODA.
Tiniyak ni Belmonte na magtutuluy-tuloy ang programang ito upang alalayan ang mga miyembro ng TODA sa lungsod habang bumabangon sa epekto ng pandemya ang bansa.
Ang fuel subsidy ay ginawa ng lungsod bilang kapalit sa taas-pasahe na hinihingi ng mga driver upang hindi naman maapektuhan ang mga pasahero.
-
VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
AABOT umano sa 200 tauhan ng Office of the Vice President (OVP) ang maaaring mawalan ng trabaho sakaling tuluyang maaprubahan ang tapyas sa budget ng kanilang tanggapan. Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang pinakamaaapektuhan sa budget cuts ay ang mga personnel sa iba’t ibang satellite offices ng OVP sa buong bansa. […]
-
APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC
TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30. Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa Mayo 2022. Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga […]
-
IATF, pag-uusapan kung handa na ang NCR para sa Alert Level 1 – Año
PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Pebrero at kung handa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1. Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong Alert level classification sa NCR mula Pebrero 16 hanggang 28 ay depende […]