• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1K trabaho, alok ng BuCor

KASABAY ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes, magsasagawa rin ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto.

 

 

Sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., na may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda na sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya.

 

 

Inaanyayahan ang mga nakapasa sa civil service examinations na mag-aplay.

 

 

“Pagtulungan natin na baguhin itong BuCor,” ani Catapang.

 

 

Sinabi niya na ang values na natutunan sa Philippine Military Academy ang dapat itanim sa mga tauhan ng ahensya.

 

 

“Imagine one thousand ‘yan, ‘yan ang magiging nucleus ng pagbabago sa BuCor,” aniya pa.

 

 

Kaugnay ito sa mga nabubunyag na iregularidad sa loob ng national penitentiary.

 

 

Ibinunyag ni Catapang na ang nakuhang higit 7,000 beer in cans at iba pang kontrabando ay naipapalusot diumano papasok sa Maximum Security Compound  ng NBP, sa pakikipagsabwatan ng BuCor personnel at Bureau of Jail Management and Penology officers. (Daris Jose)

Other News
  • Masaya sana kung magkakasama sa isang filmfest: VILMA, nalungkot din na ‘di nakapasok ang movie nina MARICEL at NORA

    MARAMI nga sana ang nag-aabang na mga big stars talaga bida sa mga pelikulang magiging official entey para sa MMFF.   Pero hindi nakapasok ang mga pelikula nina Maricel Soriano at Nora Aunor. Naitanong nga ang tungkol dito kay Vilma Santos na pasok ang ‘When I Met You in Tokyo.’   “Hindi na kasi namin […]

  • ANDREW, palaban at walang uurungan sa mga kakaibang roles; dream project na makagawa ng BL series

    DREAM project pala ng Kapuso actor na si Andrew Gan na makagawa ng BL o Boys’ Love series bago pa ito sumikat dahil malaking challenge ito sa para sa kanya.     At mukhang dininig na ang pinag-pray niya dahil dumating na ang inaasam-asam na project sa pagkakapili sa kanya na maging lead sa BL […]

  • Sa ika-50 edisyon ng taunang Metro Manila Film Festival: VIC, VICE at PIOLO, nagbabalik dahil pasok ang kanilang movies

    IPINAGDIWANG ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng golden jubilee noong Hulyo 16. 2024, na may engrandeng paglulunsad ng ika-50 edisyon na may temang ‘Sine-Sigla sa Singkwenta.’   Itinampok ng espesyal na kaganapang ito ang makabuluhang kontribusyon ng MMFF sa lokal na pelikula. at entertainment industry, gayundin ang papel nito sa pagpapalakas ng […]