1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.
Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng P355.6 bilyong piso.
Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.
Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)
-
Ads April 12, 2022
-
DOTr: Nagbabala laban sa “12-month free travel card” scam ng beep card
NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) at ang AF Payments Inc. (AFPI) na siyang kumpanya at namamahala sa beep card systems, sa kumakalat na pekeng online promosyon na magbibigay daw ng 12-buwan na libreng travel card. “There is no authorized promotion of such beep cards offering free rides, calling posts about is […]
-
‘The Suicide Squad’ Red Band Trailer, Most-Watched In Its First Week
JAMES Gunn has revealed on his Twitter account that the red band trailer for The Suicide Squad has already broken the record for most-watched by an R-rated trailer in its first week online. “I can’t wait for you to see Harley in her full insane glory & @IdisElba’s intense star power & the madness of King Shark, Weasel […]