• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021

TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.

 

Ayon kay  Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.

 

Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng P355.6 bilyong piso.

 

Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.

 

Ang dati aniyang mahigit sa dalawang  oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)

Other News
  • KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso

    KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado.   Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito.   Kasabay nito, ang […]

  • Special participation sa MUPH, ‘di rin alam… CATRIONA, nag-react sa Q&A na sana mas hinirapan

    MARAMI talaga ang nalungkot na wala sa coronation night si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Universe Philippines 2022 na ginanap noong Sabado, April 30 sa SM MOA Arena.     Pero nagpakita naman nang pagsuporta si Queen Cat dahil tutok na tutok ito sa live stream at panay ang tweet sa kanyang opinyon […]

  • MSMEs, makakakuha ng P1.2-B fund assistance sa ilalim ng 2023 budget

    INANUNSYO ng  Department of Budget and Management (DBM) na may kabuuang P1.2 bilyong piso ang magpopondo sa iba’t ibang programa ng gobyerno para palakasin ang  micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ilalim ng national budget ngayong taon.     Sinabi ng DBM na ang mga programang ito ay bahagi ng  MSME Development Plan at […]