2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA
- Published on June 8, 2024
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso.
Sabi ni Mapa, ang pagdami ng jobless Pinoy ay epekto ng El Niño phenomenon kung saan tinamaan ng husto ang sektor ng Agrikultura.
Mas mababa naman ang year-on-year unemployed noong Abril kumpara sa 2.26 milyong jobless na naitala noong Abril 2023.
Bumaba rin ang bilang ng employed individuals noong Abril nang makapagtala ng 48.36 milyong employed kumpara sa 49.15 milyong employed noong Marso.
Tumaas naman ang underemployed o ang mga naghahanap ng dagdag na trabaho. Mula 5.39 milyon noong Marso, tumaas ito sa 7.04 milyon noong Abril.
Sinabi naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng middle-skilled occupations na umabot sa 1.3 milyon at full-time employment na nasa 6.1 milyon.
-
Mahigit 70-M na national ID naipamahagi na ng PSA
MAHIGIT 70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330. Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card […]
-
P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB
Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs). Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 […]
-
Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive
Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19. Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31. Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 […]