2 arestado sa baril at shabu sa Valenzuela
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 11:40 ng gabi nang i-served ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Major Marissa Arellano ang isang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 sa No. 4052 Tiago St. Brgy Mapulang Lupa na nagresulta sa pagkakaaresto kay Erwin Gutierrez alyas “Erwin Cute”, 43.
Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala, black holster, rolled aluminum foil, patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga.
Nauna rito, alas-11 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega sa buy-bust operation sa C Santiago St. Dalandanan si Manuelito Lopez, alyas “Willy”, ng Suha St. Kabesang Imo St. Balangkas.
Nakuha kay Lopez ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy bust money, P620 cash, cellphone at sling bag.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) habang madagdagan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) si Gutierrez. (Richard Mesa)
-
Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ
INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo. Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]
-
Ads May 4, 2022
-
National karatekas maagang magtutungo sa France
Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games. Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pangilinan at Jason Macaalay sa […]