2 arestado sa baril at shabu sa Valenzuela
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 11:40 ng gabi nang i-served ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Major Marissa Arellano ang isang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 sa No. 4052 Tiago St. Brgy Mapulang Lupa na nagresulta sa pagkakaaresto kay Erwin Gutierrez alyas “Erwin Cute”, 43.
Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala, black holster, rolled aluminum foil, patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga.
Nauna rito, alas-11 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega sa buy-bust operation sa C Santiago St. Dalandanan si Manuelito Lopez, alyas “Willy”, ng Suha St. Kabesang Imo St. Balangkas.
Nakuha kay Lopez ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy bust money, P620 cash, cellphone at sling bag.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) habang madagdagan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) si Gutierrez. (Richard Mesa)
-
Ads November 11, 2021
-
PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa gobyerno ng Haiti
NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin nang malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte extends his sincere condolences to the government and to the people of Haiti for the tragedy and […]
-
Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment
KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo. Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman […]