• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA MALABON

DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.

 

 

Ayon kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, dakong ala-6 ng umaga nang makita ng ilang nagja-joging ang bangkay ni Ernesto Francisco Jr, 29 ng 27 Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit.

 

 

Ipinaalam ng mga naka-saksi ang insidente kay Ex-O Fernando Ramos, 42 ng Brgy. Dampalit na siya namang nag-report sa Sub-Station 7.

 

 

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ernesto Sr, kay police investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, madalas umalis ng kanilang bahay ang kanyang anak na walang paalam at nakikipag-inuman sa mga kaibigan at gabi na kung umuwi.

 

 

Huli niya itong nakita noong August 28, dakong alas-4 ng hapon, nang umalis ang biktima sa kanilang bahay subalit hindi na nakauwi hanggang sa matagpuan itong patay.

 

 

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng SOCO, nakitaan ng mga gasgas sa ulo at katawan ang biktima habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may naganap na foul play sa pagamatay nito.

 

 

Samantala. isang bangkay din ng hindi kilalang lalaki na tinatayang nasa 25-30 ang edad, 5’5 ang taas, nakasout ng short at walang suot na damit ang natagpuan nakalutang sa San Miguel Compound sa Industrial Road, Brgy. Potrero dakong alas-6 ng umaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]

  • Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na

    MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.   Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula […]

  • Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra

    MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.     Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos  ang  distribusyon ng  2,779 land titles sa 2,143  ARBs, mayroong […]