2 criminology students kulong sa P120K marijuana
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang criminology student matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng higit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, 345 Batasan St., Brgy137 Zone 12, Balut, Tondo, Manila; at Nazzer Meraji, 22, ng 584- 110 San Andres, Brgy 704, Zone 77, Malate, Manila.
Ayon kay Gen. Ylagan, nadakip ang dalawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcemen Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa isinagawang buy- bust operation sa harap ng of Mercury Drug Store sa Bonifacio Monument Circle, sa kahabaan ng EDSA, Caloocan City bandang ala-1 ng madaling-araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, buy-bust money na kinabibilangan ng isang tunay na P1,000 bill at 29 piraso ng P1,000 boodle boodle money, isang cell phone at isang pulang bag.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads June 8, 2023
-
Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’
IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda. Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]
-
Gilas Pilipinas tinalo ng Lebanon 95-80
NABIGO ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 95-80 sa pagsisimula ng 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia. Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Lebanon hanggang nagtulungan ang Gilas squad sa pamamagitan nina SJ Belangel, Rhenz Abando at Carl Tamayo para mapababa sa siyam ang kalamangan ng Lebanon 74-83. […]