• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 criminology students kulong sa P120K marijuana

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang criminology student matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng higit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, 345 Batasan St., Brgy137 Zone 12, Balut, Tondo, Manila; at Nazzer Meraji, 22, ng 584- 110 San Andres, Brgy 704, Zone 77, Malate, Manila.

 

Ayon kay Gen. Ylagan, nadakip ang dalawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcemen Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa isinagawang buy- bust operation sa harap ng of Mercury Drug Store sa Bonifacio Monument Circle, sa kahabaan ng EDSA, Caloocan City bandang ala-1 ng madaling-araw.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, buy-bust money na kinabibilangan ng isang tunay na P1,000 bill at 29 piraso ng P1,000 boodle boodle money, isang cell phone at isang pulang bag.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero

    SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).     Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]

  • Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site

    Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site.     Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan […]

  • DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’

    NAGPALIWANAG  si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo  kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.   Ang katuwiran ni Manalo,  hindi kasama sa panukalang resolusyon […]