• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.

 

 

Batay sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation laban kay Ert matapos ang natanggap na report hinggil sa pagbebenta nito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 ng droga at nang tanggapin niya marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Mekini na sinasabing bumili din ng droga kay Ert sa P. Zamora St., Brgy., 19.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00; at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap kontra ilegal na droga at sa mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Philippine Multisectoral Nutrition Project, ipapatupad sa 235 LGUs – DSWD

    IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project […]

  • Senado binigyang pagkilala ang tagumpay ng Powerlifter ng bansa sa 2022 Southeast Asian Cup

    Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.     Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.     Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, […]

  • Psalm 18:1

    I love you, O Lord, my strength.