• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects huli sa P100K droga sa Valenzuela

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na dakong alas-10:15 ng Martes ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez sa Dump Site, Area 4, Pinalagad, Brgy., Malinta laban kay alyas “Glenn”, 32 ng Brgy. Marulas.

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka pinosasan ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 7-pirasong P1,000 at dalawang P500 boodle money.

 

 

Nauna rito, bandang alas-2:25 ng Martes ng madaling araw nang maaresto naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kahabaan ng Gen T. De Leon Rd., Brgy. Gen. T. De Leon, si alyas “Ponching”, 21, construction worker.

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, isang gramo ng marijuana na nasa P120 ang halaga at buy bust money na isang P500, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money at P200 recovered money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Itinangging ‘alaga’ ng former presidential spokesperson: RONNIE, natawa lang sa viral video kasama si HARRY ROQUE

    NAG-VIRAL ang video ng male balladeer at Army Reservist na si Ronnie Liang na kung saan makikita silang magkasama sa tabing-dagat ni Former Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kaya may paglilinaw si Ronnie sa naturang viral video.   Pagkukuwento niya, “As far as I remember July 2022 yung video na napapanood niyo sa social media […]

  • Landslide victory kina BBM, Sara asahan

    TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.     Sa “partial at unofficial tally” mula sa transpa­rency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si […]

  • DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice

    HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita.     Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng […]