2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Dalawang drug suspects ang nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 ng No. 50 T. Gonzales St. Brgy. San Jose at Jospeh Tinio, 42 ng 022 Pitong Gatang St. Brgy. Sipac-Almacen ay resulta ng isang linggong surveillance operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez.
Si Pascual na listed drug pusher sa police drug watch list at Tinio na listed drug user ay nasakote dakong 5:15 ng hapon sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money.
Nakumpiska sa mga suspek ang 26 sachets na naglalaman ng 135 gramo ng shabu na may standard drug price P918,000.00 ang halaga, sling bag, marked money at P2,000 cash.
Pinuri naman ni Gen. Ylagan ang mga tauhan ng Navotas Police SDEU dahil sa matagumpay na operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng 135 gramo ng shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa
Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics. Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin. […]
-
Panawagan sa pagsasagawa ng legal na action laban sa mga Chinese Nationals isinumite sa OSG
ISINUMITE ng House Quad Comm sa Office of the Solicitor General (OSG) nitong Lunes ang mga dokumentong hawak nito kasabay ng panawagan nang pagsasagawa ng legal action laban sa mga Chinese nationals na naakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship para iligal na makabili ng lupa at makapag-operate ng business sa Pilipinas. Hinikayat […]
-
Pagpupulong sa flood control at navigational gate
NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama ang Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mga barkong bumangga sa coastal dike ng lungsod noong mga nakaraang mga bagyo. […]