• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, P400K shabu nasamsam

MAHIGIT P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Ronaldo Jorge alyas “Buboy Tibayan”, 52 ng B Bruz St., Brgy. Tangos South kaya isinailalim siya sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:00 ng gabi matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 51.50 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P350,200.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 9-pirasong boodle money.

 

 

Nauna rito, naaresto naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan dakong alas-11:18 ng ng gabi si Renato Garganta alyas “Atong”, 48 ng Champaca St., Brgy. San Roque.

 

 

Ani Cpt Rufo, nakumpiska sa kanya ang nasa 13.3 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P90,440.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 5-pirasong P1,000 boodle money at P400 recovered money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Navotas CPS sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang pag-inspeksyon sa P13.3-B halaga ng shabu na nasamsam sa Batangas

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa mahigit na dalawang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P13.3 billion sa Batangas.     Ang nakumpiskang illegal na droga ay itinuturing na “biggest drug haul in Philippine history.”     Sa isang panayam, matapos ang pag-inspeksyon, sinabi ng Pangulo na nagawa ng mga arresting […]

  • Inamin ni Caloy Yulo ang pagkabigo, ngunit nakakita ng mga positibo pagkatapos ng dalawang medalya

    Magkahalong damdamin si CARLOS Yulo sa kanyang paghakot ng dalawang medalya sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, na natapos noong Linggo.   Sinabi ni Yulo na masaya siyang umuwi na may dalang pilak sa vault at tanso sa parallel bars, ngunit hindi rin nasisiyahan sa kanyang pangkalahatang pagganap sa kompetisyon kung saan […]

  • Pagkalipas nang dalawang dekada: BEA, dream come true na makatambal muli si DENNIS

    DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.      After two decades na una silang nagtambal, si Bea raw ang nag-request na si Dennis sana ang susunod niyang makatambal.     Kaya, official announcement na ng GMA Network sa “24 Oras” last […]