• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects tiklo sa P68K ‘tobats’ sa Navotas

KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P68K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Francis, 47, at alyas Jomarie, 30, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.05 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,340.00 at buy bust money.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, bago ang pagkakaaresto nila sa mga suspek ay unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito kaya iniutos niya sa kanyang mga tauhan na isinailalim ang dalawa sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.     Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).     Paliwanag ng DepEd, […]

  • Uka-uka at napaikli ang bangs: MARIS, tinawanan ng netizens dahil sa video na iyak nang iyak

    TINAWANAN ng mga netizens si Maris Racal na ibinidyo ang sarili na iyak nang iyak dahil sa kanyang bagong gupit na bangs. Makikita na napaikli ang gupit ng kanyang bangs at uka-uka ito na talaga namang ang sagwang tingnan. Super cry talaga si Maris na sa simula ay hindi mo maiisip na dahil sa kanyang […]

  • ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ., ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด โ€˜๐—ด๐—ต๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟโ€™ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ป โ€“ ๐—š๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—”

    PINUNA ng grupong GABRIELA ang pagiging โ€œmissing-in-actionโ€ ni Marcos Jr. at tinawag siyang โ€œghosterโ€ ngayong palapit na ang Undas kung saan sinalanta ng bagyong Paeng ang bansa habang minumulto ng nagtataasang presyo ng bilihin at bayarin ang mamamayan.     โ€œNasaan ba talaga ang pangulo? Ang ibig-sabihin yata ng PBBM ay President Bong Bong Missing-in-action! […]