• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 hanggang 3 taon bago bumalik ang Pinas sa normal – PDU30

HINDI na dapat pang umasa ang mga filipino na kaagad na makababalik ang bansa sa normal na situwasyon nito dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ng Pangulo na 2 hanggang 3 taon pa ang ipaghihintay ng mga filipino bago maramdaman ang pagbabalik sa normal ng Pilipinas.

 

“We will not be able to return to the old norm. Mga ano pa siguro two to three years. Pero ‘pag ang mga tao mag — nandiyan ang bakuna, magpabakuna na kaagad. At least ma-minimize na and we can achieve the herd immunity, which is a long shot. But we can attain it with the help of the people and if God helps us, we can have a steady supply of vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes.

 

Kaya nga inulit ng Pangulo na ang bakuna ang solusyon laban sa COVID-19.

 

Simula nang ikasa ang rollout ng inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1, ay mayroon ng 20 milyong katao sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 22.5 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang first shot.

 

Tinatayang pitong milyong residente naman sa Kalakhng Maynila, COVID-19 epicenter ng Pilipinas, ang kasama sa fully immunized, kinakatawan nito ang 71.86% na target ng NCR.

 

Tinukoy naman ang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, tinuran ng Pangulo na “we will get a total of at least 100 million doses by the end of October, which means that maybe we can expand the vaccination program to the general population and hopefully also our children within October.”

 

Samantala, may maanghang na mensahe naman ang Pangulo para sa mga government workers na patuloy na tumatanggi na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

“Ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government. Why? Because when you are with the government you face people, people transact business officials, well, audiences or visits,” anito.

 

Layon ng pamahalaan na magbakuna ng mahigit 77 milyong indibiduwal upang makamit ang herd immunity laban sa nakamamatay na pathogen sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinay spikers palaban sa Hanoi SEAG

    Pinagsamang beterano at bagitong players ang isasabak ng Pilipinas sa women’s volleyball competition ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12 hanggang 23.     Bumabandera sa listahan sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Alyssa Valdez na parehong may malalim na karanasan sa international tournaments.       […]

  • Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place.     Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet […]

  • ALDEN, naging daan para ma-convince si JOROSS na pasukin ang mundo ng live streaming

    MAY bagong career ang actor na si Joross Gamboa ngayong pandemic.       Although sabi nga niya, medyo late na rin daw siyang nag-start. Streamer na rin si Joross ng ilang online or mobile games tulada ng Mobile Legend. As in, araw-araw siyang nag-i-stream at nag-e-enjoy raw siya.     Bukod sa talagang gamer naman […]