• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 high-value individuals, tiklo sa halos P.7M droga sa Valenzuela

UMABOT sa halos P.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos maaresto sa magkahaiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ani Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado, sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation kontra kay alyas “Boss”, 20, ng Brgy. Gen T De Leon nang magpositibo ang natanggap na ulat hinggil sa umanoy illegal drug activities nito.

Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek alas-2:40 ng madaling araw sa M. Bernardino St., Brgy. Ugong.

Nakuha sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 cash, cellphone at itim na coin purse.

Sunod na nadakip ng mga operatiba Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 7 si alyas “Iking”, 50, sa buy bust operation sa Pacheco St., Brgy. Punturin dakong alas-5:20 ng madaling araw.

Nakumpiska sa kanya ang nasa 51 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P346,800.00, P500 buy bust money at isang itim sling bag.

Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isinampa sa kanila ng pulisya.

Pinapurihan ni P/COL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Valenzuela police at DDEU para sa kanilang matatag na dedikasyon sa pagpapanatili ng isang kapaligirang walang droga at pangangalaga sa kapakanan ng komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Bakuna Eskwela’ inilarga na ng DOH, DepEd

    Inilunsad na ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) kahapon ang programang ‘Bakuna Eskwela’ upang protektahan ang mga batang mag-aaral laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria (MR, Td), at human papillomavirus (HPV).     Target ng proyekto na mabakunahan ang hindi bababa sa 3.8 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan na naka-enrol sa […]

  • VP Sara at mga dating presidente tinanggal bilang miyembro ng panel… PBBM nagpatupad ng balasahan sa NSC

    BINALASA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng National Security Council (NSC). Sa pagbabago na ginawa ni PBBM sa reorganisasyon ng NSC ay ang pagtanggal nito sa bise-presidente o kay VP Sara Duterte at mga dating pangulo bilang kasapi ng konseho. Batay sa Executive Order (EO) No.81, ang NSC ay pamumunuan ng presidente […]

  • Husay sa pag-arte, nasubukan na naman sa ‘Expensive Candy’: JULIA, suportado ng ina na si MARJORIE at mga kapatid sa pagpapa-sexy

    MALAPIT na ngang matunghayan ang kaseksihan at alindog ni Julia Barretto sa latest movie ng Viva Films na Expensive Candy     Ang karakter na ginagampanan ng tinaguriang “Drama Royalty of the Century” sa kanyang bagong pelikula ang pinaka-daring at sultry dahil ibang-iba ang Julia na masisilayan sa big screen ngayong September 14.     […]