• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 HULI SA AKTONG BUMABATAK NG SHABU SA NAVOTAS

HIMAS-REHAS ang dalawang binata matapos maaktuhan ng mga tauahan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kubo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Northern NCR MARPSTA Chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong mga suspek bilang sina Ricardo Bueno, 47, fisherman ng Blk 1 Lot 39 Squater Area NFPC, Brgy  NBBN at Ruben Bordaje, 50, fish worker ng NFPC Brgy. NBBS.

 

 

Ayon kay P/Maj. Ludovice, habang nagsasagwa ng patrol operation ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Oliver Tanseco sa Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN nang mapansin nila ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo.

 

 

Nang lapitan nina Pat Ecequiel at Pat Samboy Pandi ay hindi na nakapalag ang mga suspek nang magpakilala silang mga pulis saka dinakip nila ang dalawa.

 

 

Ani PCMS Richard Denopol, nakumpiska sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P200 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

 

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE

    INANUNSYO  ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epek­tibo […]

  • P3.8 bilyong pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak

        IKINATUWA ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”.       Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free […]

  • Lakas-CMD dumarami ang miyembro sa House – Romualdez

    IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez na mahigit sa one-third ng 310 na mambabatas ng House of Representatives ay miyembro na ng ruling party na LAKAS-CMD.     Ayon kay Romualdez na mayroon ng 109 na Lakas-CMD members ngayon sa House.     Pinakahuling sumali ay sina Zamboang del Sur Rep. Victoria Yu, dating Nacionalista Party […]