• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kalaboso sa P170K shabu sa Malabon

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Malabon City.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay Jonathan Yecla, 28, sa P. Aquino Ave., Brgy., Tonsuya matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nito.

 

 

Isang police na nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor sa suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng droga agad siyang dinamba ng mga operatiba, dakong alas-10:30 ng gabi.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry G Basungit, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 20.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P140,080.00, P500 buy bust money at coin pouch.

 

 

Dakong alas-4 naman ng madaling araw nang maaresto si John Michael Fernandez alyas “Onse” sa Flovi Homes, Phase 6, Letre Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng mga tanod na nagsasagawa ng routine foot patrol makaraang maaktuhan nila na abala sa pagbubusisi ng hawak na isang plastic sachet ng umano’y shabu.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 5.05 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,340.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Bata Reyes dadayo sa Amerika

    Muling ilalabas ni le­gendary cue master Efren “Bata” Reyes ang mahika nito sa isang US tour na idaraos sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.     Nakalinya na ang mga gagawin ni Reyes sa oras na tumuntong ito sa Amerika.     Una na ang pagdayo nito sa Red Dragon Billiards Club and Training Center […]

  • Sa kanilang resort lang magbabakasyon after ng serye: GABBY, excited na isiniwalat na may tatlong familiar faces ang aabangan sa ‘First Lady’

    KUNG ang netizens at followers ng romantic-drama series na First Lady, ay nakikiusap na sana’y hindi muna matapos ang seryeng pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.     Si Gabby bilang President Glenn Acosta at si Sanya naman si First Lady Melody, ay nakakaramdam na ng “sepanx” o separation anxiety, dahil ilang gabi na […]

  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]