• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot arestado sa baril sa Caloocan

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng gabi nang makita nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar.

 

 

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) dahil sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod ay tumakbo ang suspek na may bitbit na isang eco bag.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis at nang makorner ay nakuha sa suspek na si alyas ‘Boy Sumpak’ ang isang green ecobag na naglalaman ng isang improvised gun na kargado ng isang bala ng shotgun.

 

 

Alas-11:00 ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 ang isa pang lalaki na si alyas ‘Boy Siga’ matapos magwala at maghamon ng ayaw habang armado ng baril sa Robes-II, Brgy 175, Camarin.

 

 

Nakumpiska sa kanya ng mga pulis ang isang improvised firearm na kargado ng bala at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang dalawang bala ng M-16 Rifle.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila

    Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.     “Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi […]

  • Traslacion 2021, posibleng makansela dahil sa COVID-19

    PINAG-AARALAN ng pamunuan ng Quiapo Church ang posibilidad pagkansela sa Traslacion 2021 bunsod na rin ng panananatili ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Ito ang kinumpirma ni Father Douglas Badong, ang vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, na ngayon pa lamang ay pinag- aaralan na nila kung paano […]

  • Makakapag-serve pa rin kahit sa pagiging comedian: JOSE, never ding papasukin ang pulitika tulad ni WALLY

    SUMASALANG din ang sikat na komedyante at host ng ‘Eat Bulaga!’ na si Jose Manalo at partner niyang si Wally Bayola sa mga out-of-the country shows para mag-concert.   Kaya tinanong namin si Jose kung ano ang nararamdaman niya kapag humaharap siya sa mga Pilipino abroad bilang isang concert artist na kumakanta, sumasayaw at nagpapatawa? […]