2 kelot na nagtangkang magpuslit ng droga sa Valenzuela City Jail, tiklo
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki na magkasunod na nagtangkang magpasok ng shabu sa loob ng Valenzuela City Jail matapos silang maaresto ng mga jail officer.
Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-5:20 ng hapon nang dumating sa Valenzuela City Jail sa Brgy. Malinta si alyas “Bryan”, 27, ng Quezon City para dalawin ang detainee na si alyas “Angelito”.
Dahil dito, masusing sinuri ng duty jail officer na si JO1 Arby Ramirez ang dalang pagkain ng suspek na nakalagay sa isang transparent plastic container.
Dito, nadiskubre ni JO1 Ramirez ang anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 6.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P42,160 at dalawang folded aluminum foil strip na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Alas-2:15 naman ng madaling araw nang makarinig ng mga sigaw na “May tumatakas” mula sa female dorm ang mga roving jail officer kaya agad silang nagtungo sa 2nd floor at nakita nila ang isang lalaki na tumalon sa ground floor para tumakas.
Kaagad tinungo ng mga jail officer ang lugar na isang open space sa pagitan ng VCJ at Valenzuela RTC kung saan bumagsak ang suspek at nang sitahin nila ito at aarestuhin ay naglabas umano ng patalim ang lalaki at nagtangkang manlaban.
Agad siyang sinunggaban ni JO1 Raymond Santarin at nagpambuno ang mga ito kaya tumulong na si JO1 Christian Domondo hanggang sa magawa nilang maposasan ang suspek na si alyas “Renato”, 41.
Nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P9,316, fan knife (balisong), disposable lighter at P200 cash.
Ayon kay PMSg Erasquin, ilang linggo pa lamang nang lumaya si ‘Renato’ mula sa VCJ matapos makulong dahil sa ilegal na droga at tinangka umano nitong magpasok ng shabu para sa kanyang ka-kosa sa loob ng VCJ dahil bibigyan umano siya nito ng P20,000. (Richard Mesa)
-
Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau
MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16. Kabilang sa mga pinauwi ang […]
-
Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal
BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona. Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy […]
-
Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics
Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal. Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports. Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26. Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay […]