• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 key players ng Heat posibleng hindi makapaglaro sa Game 2

ISANG malaking hamon ngayon para sa Miami Heat ang pagharap nila sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers matapos na dalawang manlalaro nito ang kuwestiyonableng ‘di makakapaglaro.

 

Nagtamo kasi ng left foot torn plantar fascia injury si Goran Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Bam Adebayo.

 

Nauna nang lumabas sa playing court si Dragic sa first half ng Game 1 at hindi na bumalik pa matapos matamo ang injury at sinundan naman ni Adebayo.

 

Nagpapasalamat naman si Fil Am Heat coach Erik Spoelstra dahil hindi naging malala ang injury ni Jimmy Butler.

 

Nagtamo kasi ng ankle injury si Butler subalit bumalik sa laro pagpasok ng second half.

 

Gaganapin naman ang second game ng NBA Finals ng dalawang koponan dakong-9:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Other News
  • Mga dalangin ko po sa Bagong Taon

    BAGONG taong 2021 na po noong Biyernes, Enero 1.     Katulad po nang nakagawian na ng OD buhat noong  1997 dito sa People’s BALITA Sports page, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Lumikha para sa Philippine sports, lalo na sa ilang mga atleta.     Narito po ang ilan:   Weightlifter Hidilyn […]

  • Ads December 30, 2020

  • PDu30, naniniwalang itutuloy ng Marcos admin ang laban kontra illegal na droga

    NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin ng kanyang successor, na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng makakaya nito para patuloy na labahan ang illegal na droga.     “Well, I trust that the next administration will also do its very best to confront itong drug[s],” ayon sa Pangulo sa kanyang […]