2 kulong sa baril at P500K shabu sa Malabon
- Published on January 5, 2022
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng baril at mahigit kalahating milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Pierce Joshua Nicholas Pascual alyas “Pasky” at Wendy Roble.
Ayon kay Col. Barot, dakong alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Pureza St., Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang nakipagtransaksyon sa mga suspek ng droga.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 75 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P510,000.00, buy bust money at isang caliber .40 pistol na kargado ng magazine at may laman dalawang bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunation ang kakaharapin pa ni Pascual. (Richard Mesa)
-
Biden mariing kinondena ang Russian invasion
NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine. Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na. Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at […]
-
GC, nais ng mga Pilipinong matanggap na regalo sa Pasko
SA MGA Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay “celebration of the Savior Jesus Christ”. Ito rin ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas? Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang November 1-30, 2022, mayorya sa mga […]
-
Duterte infomercial: ‘Bakuna lang ang panlaban sa COVID-19 pandemic, kaya magpabakuna na tayong lahat’
Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na. Sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ng Department of Health (DOH), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang bakuna lamang ang tanging paraan para malabanan ang COVID-19 pandemic. Iginiit ni Pangulong Duterte sa nasabing infomercial na dapat tandaan na ang bakuna […]