• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 laborer arestado sa P56-K shabu

DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City at Arjay Alejandro, 27 ng Blk 22, Lot 21, Landaska Torcillio Street Brgy. 28, Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Tamayao, alas- 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sa- chet ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 8.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P56,540.00 ang halaga, weighing scale at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas Pilipinas nasa training bubbles na para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

    NASA training bubbles na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula ngayong linggo.     Pinangunahan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28.     Kabilang sa bubbles sina B. League players Thirdy Ravena […]

  • Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon

    NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio PeƱones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante […]

  • DOH, nilinaw ang posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 2 ang NCR

    NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1.     Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).     Ang paglilinaw na ito ng […]