2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at Christopher Reyes, 44, pedicab driver, kapwa ng Celia 2 St. Brgy. Bayan-Bayanan.
Sa report ni Col. Tamayao kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad na may kaugnayan sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLT Robert Kodiamat sa kahabaan ng Celia 2 Brgy. Bayan- Bayanan nang makita nila ang mga suspek na lumabag sa curfew at walang suot na face mask.
Inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanila ang 41 piraso plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P346,800 ang halaga, dalawang weighing scale, isang kulay asul na medi- cine kit at P3,300 cash.
Pinuri naman ni Gen. Ylagan ang Malabon Police sa pamumuno ni Col. Tamayao dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang drug suspects na nagresulta sa pagkakumpiska ng naturang illegal na droga. (Richard Mesa)
-
Psalm 86:11
Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.
-
Ads January 11, 2022
-
Ads April 29, 2022