2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19.
Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief implementer Carlito Galvez, resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca.
Sa tripartite agreement, sigurado na ang pagbili ng Pilipinas ng nasa 2 milyong doses ng Astrazeneca Covid-19 vaccine.
Aniya pa, magbibigay daan din ito para magkaroon ng partisipasyon ang private sector sa gagawing pag-aangkat ng bansa ng bakuna.
Kabilang pa sa mga nangunguna sa pagdebelop ng bakuna ang Pfizer, Moderna, Sputnik V ng Russia na pawang nagsabi na higit 90 porsyento na ang bisa ng kanilang produkto. (Daris Jose)
-
PBBM, inilunsad ang National Fiber Backbone Phase 1 sa iba’t ibang lalawigan kabilang ang Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone-Phase 1 (NFB-P1) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes sa Sofitel Philippine Plaza Manila-Harbor Garden Tent, na matatagpuan sa South Parking CCP Complex on Roxas Blvd., Pasay City na naglalayong palakasin ang internet […]
-
Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal
MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial. “Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi […]
-
Guce sumalo sa ika-40 Puwesto, sinubi P48K
BINIRIT ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamagarang hampas sa apat na araw sa one-under par 71 para sa two-over 290 sa pagtabla sa lima sa ika-40 katayuan na may $993 (P48K) sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic nitong Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, […]