• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na

Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas  at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19.

 

Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief  implementer Carlito Galvez,  resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca.

 

Sa tripartite agreement, sigurado na ang pagbili ng Pilipinas ng nasa 2 milyong doses ng Astrazeneca Covid-19 vaccine.

 

Aniya pa, magbibigay daan din ito para  magkaroon ng partisipasyon ang private sector sa gagawing pag-aangkat ng bansa ng bakuna.

 

Kabilang pa sa mga  nangunguna sa pagdebelop ng bakuna ang Pfizer, Moderna, Sputnik V ng Russia na pawang nagsabi na higit 90 porsyento na ang bisa ng kanilang produkto. (Daris Jose)

Other News
  • Bucks ayaw magkampante kahit nasa ‘best start’ ngayong season

    Hindi umano nagpapakampante ang Milwaukee Bucks kahit ito ngayon ang best team sa NBA, dahil sa patuloy na pamamayagpag na meron ng siyam na panalo at isa pa lamang ang talo.   Ang best start ngayon ng Bucks ay itinuturing din na pinakamagandang record sa kanilang franchise history.   Ngayon pa lamang usap-usapan na ng […]

  • CHRISTIAN, umaming muntik nang iwan ang showbiz at magsimula sa Amerika; nabago ang plano dahil sa ‘Big Night’

    MUNTIK na palang iwan ni Christian Bables ang showbiz para magsimula ng buhay sa Amerika dahil sa pandemya.     Nagkaroon ng anxieties ang aktor at pakiramdam niya ay wala na siyang panghahawakan na career noong matigil ang showbiz industry dahil sa mahabang lockdown.     Pero nabago raw ang lahat nang maging official entry […]

  • CBCP naglabas nang panuntunan para sa Ash Wednesday

    Naglabas ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ng panuntunan para sa obserbasyon ng Ash Wednesday ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.     Ilan sa mga ito ay gagamit na lamang ang simbahan ng mga natuyong sanga at dahon ng mga halaman at mga puno dahil hirap ang mga simbahan na makakuha ng mga […]