• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 MIYEMBRO NG CRIME RING NA SANGKOT SA LUFFY CASE, PINA-DEPORT

DALAWA sa hinihinalang miyembro ng crime ring sa  bayolenteng pagnanakaw sa Japan ay pina-deport na nitong Martes.

 

 

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos ay pinaalis na ng bansa na nasa maximum security  sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo.

 

 

Sina Fujita at Imamura ay mga pugante ng Japanese government dahil sa warrant of arrest na na-isyu sa kanila.

 

 

Si Fujita ay naaresto ng BI Fugitive Search Unit sa  Barangay Anilao Proper sa Mabini Batangas noong February 21, 2021, at binasagan ng Japanese authorities bilang senior member ng isang/organized fraud group, phone scam at isang arrest warrant ay naka-isyu sa kanya sa Tokyo.

 

 

Si Imamura naman ay inaresto pagkatapos nang Christmas noong 2019 nang tinangka nitong umalis ng umalis sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, via  Cebu Pacific flight patungong Macau.Siya ay may nakabinbin na warrant of arrest  sa kanilang bansa dahil sa pagnanakaw.

 

 

Ang dalawa ay nahaharap sa kaso sa Pilipinas subalit ito ay na-dismissed.

 

 

Pina-deport ang dalawa  dahil sa paglabag bilang mga pugante at “risk to public interest”.

 

 

“While the identity of “Luffy” is not yet confirmed, we are working with the Department of Justice and the Japanese authorities to be able to expedite the deportation to give more clarity to this case,” ani Tansingco.

 

 

“The arrest and deportation of these fugitives is a huge win for the Philippine government, as we will not rest until these international criminals are sent back and banned from our country,” dagdag pa ni  Tansingco.GENE ADSUARA

Other News
  • Sa work muna magpo-focus: MAUI, hiwalay na sa longtime partner pero magkasama pa sa house

    HIWALAY na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake.     Paliwanag ni Maui na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.”   […]

  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]

  • Nakakikilig ang celebration ng 3rd anniversary: ARJO to MAINE, “Life with you just keeps getting better”

    NAG-CELEBRATE ng third anniversary sina Arjo Atayde at Maine Mendoza as sweethearts sa pamamagitan ng isang romantic sunset cruise last December 21.     Pinost ni Maine sa kanyang IG account ang mga romantic photos nila ni Arjo na may caption na, “Happy third,” na kuha sa isang yate na may mga red baloons at […]