• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted ang nasakote ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-8:45 ng umaga nang magsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt Doddie Aguirre at Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Ronald Bautista sa No. 1231 E. Yellow Bell St., Brgy. Malinta kontra sa akusadong si Allan Alejo, 43.

 

 

Ani Cpt. Aguirre, hindi na pumalag ang akusado nang arestuhin nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong April 14, 2023, para sa kasong Robbery under Art. 294, par 5 of the RPC, as amended (Robbery with violence against or intimidation of persons).

 

 

Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna ni PLt Bautista, kasama ang limang iba pa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Robin Santos, hepe ng SIDMS ang warrant of arrest laban sa isa pang most wanted na si Julius Garcia, 36, ng No. 3086 Don Ciriaco Street, San Agustine Village, Brgy. Mapulang Lupa sa Pandayan Book Store, along Maysan Road, Brgy. Malinta.

 

 

Sinabi ni Col. Destura na dinakip ng kanyang mga tauhan si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong March 10, 2023, para sa kasong Sexual Assault in rel. to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Child Abuse Law (4 counts).

 

 

Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Destura sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31

    PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24.     Ito ay batay sa ni­lagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Ok­tubre 31 ng kasaluku­yang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]

  • Babaeng Vietnamese inaresto sa ‘unruly behavior’

    INARESTO ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng Vietnamese dahil sa kanyang ‘unruly behavior”.       Una rito, personal na humarap si  Ban Thi Van, 19, sa kayang immigration clearance para sa pagsakay nito sa Cebu Pacific Air flight biyaheng Hanoi.       Pero sa […]

  • Ads June 23, 2022