2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH
- Published on May 14, 2021
- by @peoplesbalita
May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang E484Q at L452R ang mga mutation na mas nakakabahala.
Ang mutation L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao. Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.
Ang Mutation E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas malakas ang binding capacity nito sa tao at maaaring makai-was sa immune system.
Tinukoy na rin ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang Indian variant.
Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa ating bansa.
Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw, nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa at mataas pa rin ang average daily attack rate.
-
Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM
SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]
-
Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng bumaba – OCTA
INAASAHAN ng OCTA Research group ngayong araw na magkakaroon ng pagbaba sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabila ito ng sunud-sunod na araw na nakapagtala ng nasa mahigit dalawang libong bilang ng mga kaso ng nasabing virus sa bansa. Sa isang panayam ay sinabi ni OCTA […]
-
Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM
PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa ngayon. Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29, bahagi ng talumpati […]