• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 MWP ng PRO4A at PRO8, timbog sa Valenzuela

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A at ng PRO8 matapos maaresto sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay Valenzuela City Police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr. dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin si Roscoe Alve, 36, negosyante, ng mga operatiba ng VCP Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Robin Santos, at Biñan City police sa kanyang bahay sa Kaypandan St., Canumay West.

 

 

Inaresto si Alve sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Banatin ng Biñan City, Laguna Regional Trial Court Branch 152 noong December 4, 2020 para sa kasong Murder at Robbery with Violence Against or Intimidation of  Persons at walang inirekomendang piyansa.

 

 

Ayon sa pulisya, si Alve ay tinaguriang top 15 most wanted person ng PRO 4A dahil umano sa pagpatay sa kanyang call center agent na girlfriend na si Crisanta Magadia, noong July 2020 sa loob ng isang motel sa Biñan, Laguna.

 

 

Sa hiwalay na operasyon, dakong alas-11:45 umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng VCP WSS sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang SS-9, PNP IG-ISOD, RIU 8, 2nd Leyte PMFC, PIU Northern Samar PPO, Allen MPS, 803rd MC RMFB 8, at 4th MFC RMFB NCRPO ang Top 3 Regional Level MWP ng PRO 8 na si Jose Gache, 63, pedicab driver malapit sa kanyang bahay sa 19-A Sto Rosario St.Brgy. Karuhatan.

 

 

Ani Col. Haveria, dinakip si Gache sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Decoroso M Turla, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Northern Samar, na may petsang December 16, 2013 para sa kasong Rape in relation to R.A 7610. (Richard Mesa)

Other News
  • Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’

    Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos. Ito ang sinabi ni Surigao del Norte  Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi  […]

  • Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO

    PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.   Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya.   At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]

  • Mahusay na healthcare program sa Pasig, bigong maibigay

    SINISILIP ng isang dating director ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang kabiguang maipatupad ang healthcare program sa Pasig City kabilang na ang kakulangan ng mga doctor at pasilidad. Ayon kay Dr. Fernando Melendrez, dating director ng nasabing ospital, nananatiling bigo ang Pasigueño sa pangakong mapapahusay na ang mga programang pangkalusugan sa nakalipas na […]