2 nalambat sa buy-bust sa Navotas, Valenzuela
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang natimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.
Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Apahap St., Brgy. NBBS Kaunlaran.
Matapos tanggapin ni Dennis Alvarez alyas “Dinay”, 50, (pusher/listed) ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska kay Alvarez ang humigit-kumulang sa 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) Php 57,800.00 at buy-bust money.
Sa Valenzuela, alas-9:45 ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo si Jerome Alonde, 29 ng Purok 4, Orosco St., Brgy. Mapulang Lupa matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl Maverick Jake Perez na nagpanggap na poseur-buyer sa buy-bust operation sa Sapa St. Bisalao, Brgy. Bagbaguin.
Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla , nasamsam kay Alonde ang humigit-kumulang sa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 20,400.00, buy-bust money, P200 cash at coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads July 6, 2023
-
2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam
KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director […]
-
Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque
EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh. Hindi naman nabanggit niSec. […]