• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at Sharmaine Vergara, 26 ng Fabye St., Sta. Ana Manila.

 

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng ma operatiba.

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.   Itinampok sa online event ang kontribusyon […]

  • CHR, iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng PNP sa pag-aresto sa red-tagged doctor

    SINABI ng Commission on Human Rights (CHR) na iniimbestigahan nito ang posibeng paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa isang doktor na inakusahang miyembro ng Communist Party of the Philippines.     “CHR has dispatched a quick response team in NCR (National Capital Region) and Caraga, and is undertaking a motu proprio investigation […]

  • Giyera sa semis simula na

    Mula sa 12 koponang pumasok sa PBA ‘bubble’ ay tanging ang Barangay Ginebra, Meralco, TNT Tropang Giga at Phoenix na lamang ang natira.   Didribol ang best-of-five semifinals series ng apat na koponan para sa hangaring makapasok sa Finals ng 2020 PBA Philippine Cup.   Lalabanan ng Gin Kings ang Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi […]