2 OFW INARESTO SA PAMEMEKE NG KANILANG EDAD
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang dalawang Overseas Filipino Workers na patungo sana ng Jeddah dahil sa pamemeke ng kanilang edad.
Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morent nina Travel Control and Enforcement Unit officers Maria Clarissa Bartolome at Kaypee Enebrad, pansamantalang hindi pinangalanan ang dalawang babae, pero galing sila sa Cotabato kung saan sinabi ng mga ito na 26 at 27 years old na sila at nakatakdang patungo sa Saudi Arabia via Qatar Airways bilang mga Household Service Workers (HSWs).
Pero nang interbiyuhin ang mga ito, ay hindi nagkatugma ang kanilang mga sinabi sa kanilang personal details
“It was later confirmed that they have misrepresented their age, and they admitted that their documents were merely processed for them by their recruiter,” ayon kay Morente.
Matatandaan na ang minimum age sa deployment ng HSWs ay 23 years old.
“These human traffickers are victimizing the youth by enticing them to agree to such schemes,” ayon kay Morente. “We have turned over their cases to the Inter-Agency Council Against Trafficking for further investigation, to be able to file cases, arrest and jail these recruiters. Our kababayan end up in vulnerable situations abroad because of this scheme. These recruiters are not stopping despite the pandemic, and this modus should be curbed immediately,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)
-
Football star Cristiano Ronaldo may mahigit 1-B followers na
PANIBAGONG record na naman ang naitala ng football star na si Cristiano Ronaldo. Umabot na kasi sa kabuuang isang bilyon ang kaniyang followers sa kaniyang iba’t ibang social media accounts. Ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng kaniyang social media accounts. Itinuturing na siya lamang ang unang katao […]
-
PISTON maglulunsad ng 3-day “tigil pasada”
NAG-ANUNSYO ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng 3-day “tigil pasada” upang tutulan ang pagpapatupad ng PUV consolidation na may deadline sa Dec. 31. Itinakda ng PISTON ang darating na strike simula sa November 20 kung saan nila pinahayag sa isang […]
-
VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan
Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers. Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas. Maraming mga […]