• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ONLINE SELLER ARESTADO SA P40K SHABU

ARESTADO ang dalawang babaeng online seller na sideline umano ang pagtulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Jane Gellado, 38, ng Alupihan Dagat St. Brgy. Longos at Moneth Soriano, 38, ng 120 10th Ave. Grace Park Brg. 93, Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Verillo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Leoño St. corner 1st St. Brgy. Tañong.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P500 ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang markadong salapi mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

Narekober sa mga suspek ang walong plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 6.0 gramo ng shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga at buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • 12 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

    ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo […]

  • MMDA: Expanded number coding scheme hindi pa ipatutupad

    ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi pa magpapatupad ng kanilang expanded number coding scheme kahit na ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 1 na.     Ayon sa MMDA na kanilang naobserbahan at kanilang naitala na hindi pa rin gaanong madami ang mga sasakyan na dumadaan at gumagamit ng EDSA. […]

  • Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.     ”Well maybe this […]