• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols

Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.

 

Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.

 

Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.

 

Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston Celtics kasunod nang contact-tracing issues sa team ng Miami.

 

Sinasabing umabot lang kasi sa walo ang players ng Celtics makaraang isailalim sa quarantine ang pitong mga players.

 

Sa ngayon nasa apat na mga games na ang kinansela ng NBA o tatlong araw na sunod-sunod na merong postponement ng laro.

 

Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang National Basketball Players Association at NBA kung kailangan pang ayusin ang health at safety protocols sa gitna na rin nang paglaganap pa ng deadly virus.

Other News
  • LAHAT NG REKOMENDASYON, IKOKONSIDERA NG DOH

    IKOKONSIDERA lahat ng Department of Health (DOH) ang mga rekomendasyon ng dating mga health secretaries, medical experts at nang Philippine Medical Association hinggil sa panawagan na ibaba na ng restriction sa Metro Manila.       Pero sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding maintindihan din ng ating mga kababayan at nang […]

  • Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

    Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.     Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.     “We are saddened to confirm that […]

  • New edgy romantic comedy “Anyone But You” starring Sydney Sweeney and Glen Powell, A Winner at the Global Box Office

    Anyone But You, which opened in the United States just before Christmas, opened in several overseas markets over the weekend, including in the United Kingdom and Australia, where the film is primarily set. Anyone But You has earned a total of $33.5 million dollars, with a few markets still lined up for the film’s opening, […]