• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila.

 

 

 

 

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus.

 

 

“Transmission dynamics for the two new cases are consistent with earlier warnings: close and intimate, skin-to-skin contact,” anang DOH.

 

 

Nabatid na ang Mpox case 11 ay isang 37-anyos na lalaki na nakitaan ng mga sintomas ng sakit noong Agosto 20, kabilang na ng rashes sa mukha, braso, hita, thorax, palad at talampakan.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi naman umano siya nagkaroon ng anumang exposure sa sinumang tao na may kahalintulad na sintomas ngunit inaming nagkaroon ng close, intimate at skin-to-skin contact, may 21-araw bago nagsimulang maglabasan ang mga sintomas ng sakit.

 

 

Kasalukuyan siyang naka-admit sa isang government hospital simula pa noong Agosto 22, kung saan kinuhaan siya ng skin sample, na siyang sinuri ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

 

 

Samantala, ang Mpox case 12 naman ay isang 32-anyos na lalaki na ang sintomas ay nagsimulang maglabasan noon pang Agosto 14, kabilang na ang skin lesions sa kanyang groin area at lagnat.
Inamin ng pasyente na nagkaroon ng intimate at skin-to-skin contact sa isang sexual partner.

 

 

Una umano siyang nagpakonsulta sa isang outpatient clinic at sinabing bacterial infection lamang ang kanyang sakit ngunit matapos ang ilang araw, nagsimula na rin umano siyang magkaroon ng taghiyawat na parang lesions sa mukha, noo at anit.

 

 

Pinayuhan siyang magtungo sa isang DOH hospital kung saan siya kinuhanan ng skin sample noong Agosto 23 at pinayuhang manatili sa kanilang tahanan habang naghihintay pa ng resulta.

 

 

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ang total case count ng Mpox sa bansa ay nasa 12 na simula noong Hulyo 2022.

 

 

Ang siyam umano sa mga pasyente ay nakarekober na sa karamdaman noon pang 2023 habang ang tatlong aktibong kaso ay mayroon pa ring mga sintomas at hinihintay pang guma­ling.

 

 

Tiniyak din naman ng DOH na naimpormahan na nila ang mga local government units (LGUs) kung saan naninirahan ang Mpox cases 11 at 12. Sila umano ang may kapangyarihan at awtoridad upang maghayag ng mas detalyadong impormasyon at response action hinggil dito. (Daris Jose)

Other News
  • Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang

    DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.     Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.       Makikitang nagkaroon […]

  • Net income ng GSIS, tumaas ng 70% o naging P113 billion noong 2023

    INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na tumaas ng 70% ang net income nito para sa nakalipas na taon sa gitna ng makabuluhang paglago ng ‘equity holdings at fixed income portfolio” nito sa nasabing panahon.     Sinabi ng GSIS na ang net income nito ay tumaas ng P113.3 billion mula P66.4 billion noong […]

  • Luke 6:38

    Give, and it will be given to you.