• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang quarantine facilities binuksan ni Yorme Isko

MAY dalawa pang quarantine facilities ang binuksan, kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang paghahanda sa posibleng 2nd wave ng COVID19 sa Maynila.

 

Ayon kay Moreno,kasama niya si Vice Mayor Honey Lacuna sa inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Huwebes, Oktubre 22. Ang dalawang quarantine facilities ay mayroong kabuuang 100 bed capacity.

 

Sinabi ni Moreno na magpa- pasalamat siya ng marami kung hindi na magagamit ang mga nasabing pasilidad, na ang ibig sabihin lamang ay ligtas na ang mamamayan ng lungsod sa coronavirus.

 

Sinabi ng alkalde na habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng kaluwagan sa komunidad bilang paraan ng pagpapasigla sa ekonomiya at upang maibalik ang trabaho ng karamihan na nawalan ng kabuhayan bunga ng pandemya, sinabi ni Moreno na kailangang may kahandaan ang panig ng pamahalaang lokal sakaling magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng coronavirus na laging isang posibilidad.

 

Muling nagpaalala si Moreno na sa lahat ng mga taga-Maynila na ang nakamamatay na virus ay nanatiling nasa paligid, at bilang katibayan ay ang nangyari sa mga bansa sa Europe, Spain at Argentina kung saan ay nakakaranas ngayon ng second wave ng COVID-19.

 

“We do not want a second wave. In fact, how I wish na hindi magamit ang mga quarantine facilities natin but we have to be ready in case it happens and I hope everyone joins me in praying na hindi nga ito mangyari by keeping safety in mind,” ayon kay Moreno.

 

Kailangan umano na balansehin ang buhay at ang kabuhayan at habang binubuksan ng lungsod ang ekonomiya ng paunti-unti ay nanawagan si Moreno sa publiko na magbabalik trabaho na sumunod sa itinakdang na basic health protocols na 3W’s —wear your face mask, wash your hands at watch your distance. (Gene Adsuara)

Other News
  • Metro Manila pinakatalamak ang kawalang trabaho

    Hindi lang numero uno sa COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR). Ito rin ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas.   “Ang NCR ay naitayang may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 percent, samantalang ang [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] ang may pinakamababa na nasa 3.8 percent […]

  • JANINE, mana lang kay PILITA ‘pag natuloy na maging ‘Valentina’

    SA ginanap na virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para kay Janine Gutierrez, natanong ang newest Kapamilya actress tungkol sa bali-balitang pagganap niya bilang Millennial Valentina na magiging kontrabida ni Jane de Leon na tuloy na tuloy ang paglipad sa Darna TV Series.     Sagot ni Janine, “It’s so interesting for me, kasi, of course, […]

  • First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS

    SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.     Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang […]