2 pasaway sa curfew at no facemask, kulong sa shabu
- Published on April 30, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, kapwa ng PNR Compound, Brgy. 73.
Ayon kay Col. Mina, nagsasagawa ng motorcycle patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police TMRU na sina Pat. Ernesto Ng at PCpl Ronel Judel Magtoto sa kahabaan ng Abby Road, Brgy. 73 dakong 2:20 ng madaling araw nang makita nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew at wala pang suot na facemask.
Nang sitahin, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at sa halip ay tinangkang tumakas ng mga ito kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa maaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 3.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P24,480 ang halaga at isang glass tube pipe na naglalaman ng nalalabi ng hinihinalang marijuana. (Richard Mesa)
-
1,582 Zambo farmers, nag-aantabay ng land ownership awards
TINATAYANG may 1,582 Zamboanga Peninsula farmers ang nakatakdang maging landowners. Nakatakda kasing pagkalooban ng Department of Agrarian Reform ng ‘certificates of land ownership awards (CLOAs) ang mga nasabing magsasaka. Sa isang kalatas, pangungunahan ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagai ng CLOAs, sakop nito ang kabuuang 2,653 ektarya ng agricultural […]
-
Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas
WALA munang rematch sina reigning World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr. Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas. Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight. Subalit […]
-
Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan
NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City. Kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]