• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PATAY, 2 SUGATAN SA PANANAKSAK NG KAINUMAN

DEDO ang dalawang katao habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa matapos pagsasakakin ng isang mister na kanilang nakainuman sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala nina Caloocan police homicide investigators PSSg Jenny Ryan Rodriguez at PCpl Romnick Fabroa ang nasawing mga biktima na si alyas Ben at alyas Michael Talastas habang ginagamot naman sa ospital sina Raul Dais at Mario Andoy dahil din sa mga tinamong sakask sa katawan.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., i-prisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong two counts of murder at two counts of frustrated murder ang suspek na si Anthony Leyte, 45 ng Golden Ville, Brgy. 167, Llano

 

Sa imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa kanilang kaibigan na si Teodorico Gabugan, sa Golden Ville, Brgy. 167, Llano kung saan nagkaroon ng inuman ang mga ito kasama ang suspek na kapitbahay ni Gabugan.

 

Matapos nito, nagpasya ang mga biktima na umalis alas-9:10 ng gabi kung saan sinamahan sila palabas ng bahay ng live-in partner ni Gabugan na si Emma, 55, nang bigla na lamang lumapit ang suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak ng suspek sa katawan ang mga biktima.

 

Dead-on-the-spot si Ben at Talastas habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Dais at Andoy samantalang mabilis na tumakas ang suspek subalit, kalaunan ay kusang loob na sumuko sa Caloocan Police Sub-Station 7. (Richard Mesa)

Other News
  • Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

    ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.     Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.     “It’s still the fight that people […]

  • Loyzaga kumpiyansa sa Team PH

    Kumpiyansa ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa pagsabak ng national men’s team sa darating na 14th East Asia Baseball Cup.     Ito ay dahil na rin sa paggiya ni coach Vince Sagisi, naging scout ng 13 taon pa­ra sa Texas Rangers at Cleveland Guardians, sa mga Pinoy batters.     “I believe we’ll […]

  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]