2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila
- Published on July 26, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3.
Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital.
Sa ngayon, hawak na raw ng PNP ang suspek sa pamamaril.
Dahil sa shooting incident sa Areté, ipinagpaliban muna ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School na naka-schedule ngayong hapon.
Samantala, nasa sasakyan naman daw si Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander G. Gesmundo na siya sanang guest speaker sa Ateneo Law School Graduation ceremony nang naganap ang insidente.
Dahil dito ay inabisuhan daw ang chief justice na huwag na itong tumuloy.
Ayon naman kay SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, ligtas naman daw si ang punong mahistrado.
Ang doktor ang pangunahing suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila na ikinamatay ng 3 katao
Hawak na ngayon ng PNP ang suspek na namaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.
Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol, 38-anyos at residente ng Basilan.
Ang mga namatay naman ay sina Rosita Furigay, dating alkalde ng Lamitan City sa Basilan province; Victor George Capistrano, executive assistant ni Furigay at Bandiola Jeneven.
Sa mga lumabas na impormasyon dadalo sana ang dating alkalde sa graduation ng kanyang anak na si Hanna.
Si Hanna ay kasalukuyan namang ginagamot ngayon sa ospital.
“The PNP (Philippine National Police) immediately responded to the scene of the incident and the gunman was arrested right away. Probe is ongoing and appropriate charges will be filed against the suspect. PNP OIC (Officer-in-Charge) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. assures everyone that the PNP is on top of the situation and stiffer security measures are being implemented especially in Quezon City and the rest of Metro Manila,” ayon sa PNP sa isang statement. (Daris Jose)
-
Bring Hollywood Glamour Home: Kohler’s Occasion Faucet Collection Transforms Filipino Bathrooms
Filipino homes are getting a touch of Hollywood glamour with Kohler’s latest offering: the Occasion faucet collection. Renowned for its innovative and high-quality kitchen and bath products, Kohler draws inspiration from the timeless elegance of the Golden Age of Hollywood, delivering a faucet collection that is both stylish and functional. The Occasion […]
-
Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY
DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann. “Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!” “Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken. At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby […]
-
DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’
HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis. Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga […]