• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, NAPIGIL

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa  Singapore.

 

 

Sa ulat ng  BI  travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang  sumakay sa Scoot Airlines  sa Clark International Airport (CIA) na nagpanggap na mga turista.

 

 

Itinanggi ng dalawa na magkakilala sila  at sinabing bibiyehe sila upang magbakasyon pero sa beripikasyon nalaman na may active work permits na magtrabaho sa Singapore bilang mga entertainers.

 

 

Pero inamin sa bandang huli, inamin nila  na nag-aplay sila sa pamamagitan ng online at sinabihan na mag turista sila para mapagtakpan ang totoong pakay nilang magtrabaho. Nagbayad sila ng P30,000 at P15,000 para sap ag-proseso ng kanilang dokumento.

 

 

“In many cases, these victims are made to believe that they will be working as entertainers, but many end up forced to work in sex trade,” ayon  kay Tansingco.  “This is a clear case of human trafficking, wherein the victims are instructed to pretend to be tourists,” dagdag pa nito.

 

 

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng CIA Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng demanda ng kanilang recruiters. GENE ADSUARA

Other News
  • PBBM kumpiyansa ‘di magbabago relasyon ng PH at US sa Trump admin

    Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos na walang magbabago sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng pagkakapanalo ni US President Donald Trump.Streaming service.     Sinabi ng Pangulo na matagal nang kaalyadong bansa ng Pilipinas ang Amerika kaya sa tingin nya ay hindi basta-basta magbabago ang relasyon ng dalawang bansa.     Una nang […]

  • Habang naghihintay sila ng kidney donor: YASMIEN, biglang bumili ng bahay para malapit sa maysakit na ina

    SABI namin kay Yasmien Kurdi, siguradong pakikinggan ng Diyos ang dasal niya at ibi-bless siya dahil mabuti siyang anak, asawa at magulang.       Sa ngayon kasi, naghihintay raw sila para sa magiging donor ng kidney ng kanyang ina at para makapag-undergo ito ng transplant.     Kuwento rin ni Yasmien, matagal na raw niyang […]

  • Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

    Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.   Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.   Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.   […]